A Journey to Life.Ü

August 15th, 2009 by abeboie13

July 16, 2009 ito ang first day ko sa ePERFORMAX nalate pa nga ako nun kase lumagpas ung train na sinasakyan ko, sa halip na sa Buendia Station lang ako bababa napunta ko sa Ayala. Pagpasok ko sa classroom halos nandun na lahat ng mga classmates ko at nagsisimula na rin ng pao-orient si Ms. Leah Joy Tapia- sya ang trainer ko sa loob ng 9 weeks. Sa first-half ng klase, inutusan nya kami na bumuo ng apat na teams at mag-isip ng pangalan bawat grupo..at dun nabuo ang Trans Hue Max, Lucky 7, Promax at Agents League bawat grupo ay binubuo ng pitong miyembro..

*Trans Hue Max:
Michelle Gee Magdale- “Mitch o Migee” ang tawag sa kanya, sya rin ang nakaisip ng pangalan ng grupo. Sya rin ang aking partner in crime..lalo na sa pambubully kay Jon.
Lorilen Perello- “Mommy Len” naman ang tawag namin sa kanya kase sya ang pinakamatanda sa klase, para sa ‘kin isa rin syang “Walking Dictionary” ang dami nya kaseng alam sa lahat ng bagay lalong lalo na sa English.             Apple Orenza-”Phol” naman ang tawag namin sa kanya, nagagalit kase sya kapag tinatawag sya sa tunay nyang pangalan..sya rin ang madalas kaaway ni Mitch at kung ano ang dahilan, yun ang di ko alam.
Jonas Peralta- “Jon” sya ang kaisa-isang lalaki sa grupo namin..natapos ko ang 9 weeks na training pero ang tanging naaalala ko lang sa kanya ay ang “Volleyball” kase tuwing may extempo kami di pwedeng hindi nya mabanggit ang tungkol sa paborito nyang sport.Ü
Yvonne Suzanne Sanchez-”Zane” bully din ang tawag sa kanya ni Leah..medyo mahilig din kase syang mambully ng kapwa nya trainee.
May Belle Manalad- “Belle o Bilya” ang tawag ng mga kaco-trainee ko sa kin..ako rin ang madalas tuksuhin kay Kuya Sunday na maintenance dito sa Pacific Star Building..ako rin ang pinaka-isip bata sa buong B.C 53
*Pito talaga kami sa grupo pero nung 2nd day namin nagquit si “Ate Mheng” dahil nalaman nya na may extempo kami the next day. Hindi ko tuloy sya masyadong nakilala..=c
*Lucky 7:
Samuel Balintay-”Kuya Sam” ang tawag namin sa kanya..Dahil among the boys, sya ang pinakamatanda..Hanga rin ako sa kanya dahil di sya nahihiyang aminin sa lahat na isa syang “Aeta” saludo ako sa’yo Kuya!                                   Jam Clave- dahil 3 letters lang ang pangalan nya..wala kaming choice kundi tawagin lang din syang “Jam” sya rin ang may pinakamaraming “quotable quote” na nabanggit sa extempo tulad nalang ng (eating fish, keyano etc.,) lagi rin syang late sa klase dahil pumapasok pa sya bilang 3rd year college student ng Lyceum..Sya rin ay mahilig sumayaw to the tune of “Nobody Nobody but you”.
Abigail Rivas-”Abie” una ko syang nakita nung nag apply ako sa EPERFORMAX kasama pa nga nya yung boyfriend nya nun eh, isa nga pala syang Registered Nurse..at sya rin ang may pinaka maliit na boses sa klase.
Joemar Compuesto-”Jomz” sya ang tampulan ng tukso sa klase..marami ding naiinis sa kanya..Pero hindi naman ako isa sa mga ‘yon dahil ayoko naman maging judgemental masyado dahil di naman ako perpekto. Kilala rin sya sa tawag na “Jomz Black”.
Laurence Olivier Corvilla-“Lauren” sya ang “crying baby” ng klase, pano kase lagi syang nagiging emosyonal twing mayron kaming extempo, lalaking lalaki yung features nya pero as usual..pusong babae din sya.
Deanna Raynog- “Dian” saksi ang apat na sulok ng mga rooms ng ePERFORMAX sa nabuong relasyon nila ng kanyang ka-groupmate na walang iba kundi si..
Daryl Ocana- Sya ang pinakamaputi sa klase, nung nagsabog ata ang Diyos ng kaputian..Sinalo nya lahat at hindi ako tinirhan..
*Promax:
Arnilyn Sanchez-“Arnie” Nung una ko syang makita ang unang pumasok sa isip ko ay “Ang sungit naman ng babaeng toh” pero nagmali ako…sya na ata ang pinakakwelang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko, Isa rin sya sa mga taong nakilala ko na sobrang totoo sa sarili nya..”What you see is what you get” eka nga.
Hiesa Obispo-“Hies” ang may pinaka unique na pangalan sa klase, sya rin ang isa sa mga naging kaclose ko dito sa ePER. Sya man ang may pinakamaliit na boses sa klase di naman yun naging hadlang para hindi sya macertify..           Ian Matuguinas- Ang baklitang iniyakan ko nung macertify sya..Isa rin sya sa mga naging ka-close ko dito, Sya rin ang kaisa-isang baklang naging crush ko..pero nandidiri sya sa ‘kin dahil daw di ako ang type nya at hindi raw kami talo..FINE!
Reynold Linghon-“Rein” nung unang araw na makita ko sya..akala ko tunay syang babae..pero NAGKAMALI ako dahil kabilang din pala sya sa sa tinatawag nating “Third Sex” pero infairness mas mukha pa syang babae kaysa sa ‘kin.
Janine Garcia-”Nine” sya ang madalas pagtripan ni Ian, boses bata pero bata pa naman talaga sya.. pero kung tutuusin mas mature pa syang mag-isip kaysa sa’kin. Nalungkot talaga ko ng sobra ng ipull out sya ng company dahil may problema sa medical nya. Pero kaylangan kong mag let go..ganun talaga ang buhay.
Ferdinand Nava-”Ferdz” isa rin sya sa mga naging ka-close ko dito, malapit na rin syang magkaron ng baby sa long time girlfriend nya sa Bicol..Tingin ko naman mukhang magiging isang responsableng tatay sya pagdating ng araw “SANA”.
Angela Martin-”Ange” ang tawag ko sa kanya..magkasing edad lang kami pero mayron na syang 3 y/o son..nakakatuwa din syang magsalita, para kaseng katono nya si “Ruffa Mae Quinto” twing nageextempo sya. Sya rin ang madalas kong kasabay kumaen ng lunch sa pantry, at kasamang bumili ng ice cream sa C-Mart.
*Agents League:
Renz Martin Corum-“Renz”Lalaking lalaki ang pangalan pero isa rin syang baklita.. sya din ang kauna-unahang nacertify sa klase, talaga naman kasing magaling sya..At kahit na nacertify na sya dinadalaw pa rin nya kami kapag may free time sya.
Ana Fe Cambay-” Ate Ana” Sya ang nanay ng napakacute na batang nagngangalang Angela Anthea Cambay, Sya ang madalas kong kasabay sa pag-uwi..Lagi ring masasarap yung baon nyang food kaya naman lalo akong tumaba. Hindi na rin nya natapos yung 9 weeks nya kasi pinullout din sya dahil as usual..nagkaproblema din sa medical nya..2 months ko lang sya nakasama pero nalaman ko na kung anong pakiramdam ng may ATE.
Reden Irag-”Red” ang pinakapogi kong classmate..pero unfortunately, kabilang din sya sa Third Sex..Tahimik lang sya palagi sa klase pero kapag bumanat..talaga namang sasakit ang tiyan mo sa kakatawa.
Lloyd Aber-”Lloydie” BestFriend sya ni Ferdz..iyon lang ang tanging alam ko sa kanya kase di naman kami talaga masyadong nagkakausap..Ayun lang.
Ma. Corazon Reyes-”Mariz” ang pinaka “Techy” sa klase..pano naman kase I.T graduate sya. Super Close na rin kami nito pero pinull out sya agad dahil may problem daw na nakita sa lungs nya..Sa ngayon wala na kaming communication, pero sana makapasa na sya sa Education Board Exam. Go Mariz! Believe in the Power of your Dreams..
Cherry Galaang- Sya na ata ang pinakamadaldal na babae na nakilala ko pero nakakaaliw naman sya. Ako din yung kauna-unahang sinabihan nya na crush nya si Daryl..Sakin din sya palaging umuutang kaya lang wala akong maipautang sa kanya dahil wala naman din akong pera…Naterminate sya nung 3rd week namin dahil sa sobrang dami nyang absent.                            Christian Orros- Di ko sya masyadong nakilala, Ang naaalala ko lang tungkol sa kanya ay naterminate sya dahil bigla nalang syang nawala na parang bula.
*Nung 6th week namin..may mga bagong mukha na isinama sa klase namin..at iyon sina:
Sadily Basman- “Sady” Nakakaintriga yung pangalan nya noh?! Malungkot kaya yung parents nya nung ipinanganak sya?! Bukod sa nakakaintrigang pangalan..nakakaintriga din ang kanyang boses dahil super husky ito, pero sabi nya in born daw yun. Sya din ang isa sa mga nililink sa kin bukod kay Kuya Sunday.
Romano Christopher Frialde-”Roman” “I’m a gay but not loud” ito ang pambungad nya nung unang pumasok sya sa klase..at sya ang No.1 Fan ni Jomz, este numero unong naiirita kay Jomz..Nung unang nakita ko sya iritang irita ko sa mga facial expression nya..pero okey naman pala sya kapag nakilala mo mg husto..Sya rin ang kahati ko sa palagi sa pagbili ng Corn Bits sa Vendo Machine na mahilig mangain ng barya!
Marlon Ganan- “Kuya Marlon” Unang nalaman ko tungkol sa kanya ay isa pa la syang Pastor (pero di halata) Sya rin ang isa sa mga naniniwala sa potential ko na maging part ng industiyang ito.
Ma.Cecilia Malicden-”Ate Cecil” Cecilia Franco..Sya rin ang isa sa mga ate ko dito sa ePER, 2 weeks ko lang sya nakasama dahil nag-apply at natanggap na din ata sya sa vxi..Sa ngayon wala na akong balita sa kanya.
Willard Badjao-”Will” Dahil saglit ko lang din syang nakasama..wala rin akong masyadong alam tungkol sa kanya..Basta ang alam ko lang magaling sya sa extempo at kung bibigyan daw sya ng chance na maging isang babae..”A woman of substance” iyon ang linyang iniwanan nya.Ü
Iba Iba man ang ugali naming lahat, iba’t iba man ang pinanggalingan at mga narating sa buhay..Sama sama naman kaming umiyak, tumawa at kinabahan..
Dahil sa iisang dahilan..at iyon ay ang MACERTIFY.
Naniniwala ako na bawat isa sa amin ay deserving na macertify pero hindi lahat ay napagbigyan. Ang ilan ay pinalad at ang ilan naman ay hindi..
Lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan..maaaring sa ngayon ay “PAALAM” muna..at maaaring bukas ay magkita-kita..Di man sa ePERFORMAX pero sa ibang parte ng mundo.
Mamimiss ko kayong lahat B.C 53
Di ko kayo makakalimutan..
-BilyaÜ

Eat BLOG-A

August 6th, 2008 by abeboie13

–EAT- BLOG- A–
Ako si May Belle
Abe for short…
Tu-bi ako noon,
naging 3-bogli
at ngayon ay por-bi na.. (yehes!)
Mass Comm istudent ako…
Syempre sa BuLSU—Oo,
Public skul lang toh..
pero tahanan ng mga “Bright Child”

Takot ako sa  mga iskeyri na kwento, at iyon ay tungkol sa mga….

MUMU….

as in yung mga White lady, tikbalang at Bampira at kung anu-ano pang mga lamang lupa…
yun tulad ng mga napapanuod ko sa YOUTUBE..
kasabay ng panunuod ko ng “HENTAI”at ang paglalaro ng paborito kong Computer game ang “ZUMA”…na hindi man lang  ako maalis sa Level 1…  ginagawa ko lang naman toh kapag ala ang supervisor ko sa OJT…kasi kapag nahuli ko, natural lagot ako!!

so far.. hapi naman ako… anong nagpapasaya sakin???
una…ang pamilya ko
pangalawa….mga klasmeyts ko( por-bi) at ang
pangatlo…”PAGKAEN”…(halata naman sa figure)

Future plans ko?
syempre magpayaman…as in mayaman na mayaman
at iyon ay sa pamamagitan ng pagtaya sa “LOTTO”
ehe…syempre sa pamamagitan ng pambubugaw ng kaklase ko!!!

favorite ko nga pa lang author si “BOB ONG”…kahit dalawang book pa lang niya ang nababasa ko..dahil ang karamihan e mga romance…waw!
hmmm… kasi diba may sense naman talaga ang mga books niya na sinulat..diba? diba?
maniwala ka naman sakin…
tapos…tapos…un lang…ala naman kasi kong hilig magbasa e..nagpepretend lang ako.

un favorite ko naman na movie e syempre…

syeeeereeeen..

MAID OF HONOR…

wala lang kahit 100x ko toh panoorin oks lang…pinakilig ako neto ng todo e.

at saka nga pala…sumasakit ngipin ko ngayon..kumaen kasi ko ng maraming maraming choco knots at oreo kanina sa bus..tapos naulanan pa ko kasi ordinary lang ung baliuag transit na sinakyan ko…

tapos gumawa lang ako ng multiply ngayon…
add mo ko ha? (abeboie@yahoo.com)
ng masulit ang pagbabasa mo ng blog ko…
teka…bat mo nga pala toh binabasa?
kaw ah.

aun…

aun…aun lang..alang magawa e..-abe♥